Davao City (January 10, 2022) – Tatlumpu’t tatlong (33) former rebels (FR) mula sa Marilog District sumailalim sa Enhanced Comprehensive and Integrated Program sa Kalinaw Village, Bunawan District, Davao City matapos ang isinagawang deradicalization ng Police Regional Office 11.
Pormal nang inumpisahan ang tuloy-tuloy na pagpoproseso ng mga nagbalik-loob noong Enero 10, 2022. Sasailalim sila sa lima hanggang anim na buwan na programa ng gobyerno sa pangangasiwa ng City Social Welfare and Development Office.
Kinakailangan matapos nila ang rehabilitation, healing at reintegration bago sila mabigyan ng Certificate of Completion upang makuha nila ang mga benepisyo na nakasaad sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP, ilan sa mga ito ay ang pabahay, livelihood assistance o negosyong pangkabuhayan.
Sa 33 naturang FR’s, lima sa mga ito ay babae habang 28 naman ay lalaki, lahat ay mula sa Matigsalug Tribe. Ito ang 2nd batch na sasailalim sa E-CLIP sa Kalinaw Village simula noong mag-umpisa silang magbukas ng pinto para sa ating mga kababayang naligaw ng landas.
“Patuloy ang ating pagbibigay serbisyo at pagpapaabot ng pangunahing serbisyo ng gobyerno simula noong naitatag ang Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) dahilan ng kanilang pagbabalik-loob, at ngayon nga ay ito na ang simula ng totoong pagbabago at pagyakap nila sa gobyerno dahil konting panahon nalang ay matatapos na nila ang buong proseso ng E-CLIP” ani PMaj Rowena Jacosalem, R-PSB over-all supervisor.
#####
Panulat ni PCpl Romulo Cleve Ortenero
Salamat po gobyerno