Arestado ang isang lalaki sa kasong 2 Counts of Murder matapos isilbi ng pulisya ang nakabinbin na arrest warrant sa Sitio Mainline 2, Barangay Liliongan, Carmen, Cotabato nito lang umaga ng Agusto 1, 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Kit”, 33 anyos, at residente ng naturang lugar.
Ayon sa ulat, bandang 10:30 ng umaga nang puntahan ng mga awtoridad sa pangunguna ng Carmen Municipal Police Station dahilan upang maaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 Counts of Murder na walang pyansa.
Ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng positibong hakbang sa kampanya kontra kriminalidad ng kasalukuyang administrasyon para sa seguridad ng mga mamamayan at kapayapaan ng bansa.
Panulat ni Patrolwoman Flora Mae Asarez