Maguindanao del Norte – Boluntaryong sumuko ang 30 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at dalawang DI-Listed PPAG sa ilalim ni Mohammad Andoy sa Bigkis-Lahi Hall, Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte noong Enero 19, 2023.
Pinangunahan ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, sa pamumuno ni PBGen John Guyguyon, Regional Director, ang pagsuko ng 30 Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), at 2 DI-Listed PPAG.
Bukod sa pagsuko ng Former Violent Extremists ay isinuko rin nila ang kanilang mga dekalibreng armas, Improvised Explosive Device (IED) at hand grenade.
Ang 30 miyembro ng BIFF sa ilalim ng Karialan at Bungos Factions ay pawang nag-ooperate sa SPMS Box sa lalawigan ng Maguindanao kabilang ang mga kalapit na munisipalidad sa Sultan Kudarat at North Cotabato, kasama ang 2 miyembro ng DI-Listed PPAG na kumikilos sa Barangay Kudal, Pagalungan, Maguindanao.
Ang serye ng negosasyong isinagawa ng PRO BAR sa Andoy Group ay matagumpay na nagresulta sa boluntaryong pagsuko ng dalawang (2) miyembro nito matapos ipahayag ang kanilang pagnanais na linisin ang kanilang mga pangalan sa DI-List ng Private Armed Group (PAG) at ibigay ang kanilang mga sarili sa pagkakataong mamuhay ng matiwasay.
Dagdag pa, ang patuloy na pakikibaka at panggigipit na naramdaman ng mga miyembro ng BIFF, kasama ang kawalang-kasiyahan sa kanilang dating grupo at ang pagsasakatuparan ng paggamit ng kanilang mga kumander para sa pansariling pakinabang.
Pinuri naman ni PBGen Guyguyon ang mga operating troops sa matagumpay na operasyon at ang malaking kontribusyon na ito sa mga pagsisikap tungo sa pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro Region.
Ang PRO BAR ay patuloy sa kanilang mandato na patuloy na pasukuin ang taong tiwalag sa batas para makamit ang kapayapaan tungo sa kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia