Ipinagdiwang ng Police Regional Office 10 ang 31st PNP Ethics Day na may temang “Serbisyong may Integridad at Pananagutan, Tungo sa Ligtas at Mapayapang Pilipinas”, na ginanap sa Camp 1Lt Vicente Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-6 ng Enero 2024.
Ito ay pinangunahan mismo ni Police Brigadier General Jaysen Carpio De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office 10, kasama ang Command Group.
Kasabay nito, ang paggawad ng Medalya ng Kasanayan sa limang miyembro ng PNP Northern Mindanao at isang Non-Uniformed Personnel para sa hindi matatawarang pagganap sa kanilang tungkulin sa kanilang pamayanang nasasakupan.
Layunin din ng PNP Ethics Day na ipaalala sa bawat miyembro ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang pagiging isang disiplinado, propesyonal at may matuwid na moral sa pagganap sa sinumpaang tungkulin, at responsibilidad na may mataas na dignidad at integridad.
Sinasalamin din ng selebrasyong ito ang kahalagahan ng PNP Core Values: Makadiyos, Makabayan, Makatao, at Makakalikasan na handang tumugon sa ngalan ng serbisyong pampulisya upang tiyakin ang layuning maging ligtas ang mga mamamayang kanilang nasasakupan.