Arestado ang isang 31 anyos na lalaki sa paglabag sa COMELEC Gun Ban sa isinagawang Checkpoint Operation ng Tagoloan PNP sa Barangay Poblacion, Tagoloan, Misamis Oriental nito lamang Enero 12, 2025.
Kinilala ni Police Major Renz Marion D Serrano, Hepe ng Tagoloan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “King”, 31 anyos at residente sa Baungon, Bukidnon.
Bandang 1:05 ng madaling araw nang maharang ang suspek sa isinagawang checkpoint operation ng mga tauhan ng Tagoloan Municipal Police Station kasama ang 1st Provincial Mobile Force Company at 28th Infantry Battalion, Philippine Army.
Sa naturang checkpoint operation ay nasita ang suspek dahil sa walang suot na helmet, habang nagsagawa ng inspeksyon ang awtoridad ay nakita ang isang Cal. 38 Smith & Wesson Pistol na walang serial number na may tatlong bala at napag-alaman din na walang sapat na kaukulang dokumento.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at Omnibus Election Code.
Pinuri ni Police Brigadier General Jaysen C De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga operating unit para sa matagumpay na mahusay pagpapatupad ng COMELEC Gun Ban. “This arrest underscores our firm commitment to enforcing election laws and safeguarding our communities during this critical time. Let this serve as a warning to those who intend to violate the COMELEC Gun Ban. We will not waver in our duty to uphold public safety.”