Boluntaryong sumuko ang tatlong (3) taga-suporta ng teroristang grupo sa probinsya ng Cagayan at Isabela.
Sumuko ang 37 anyos na matadero ng Barangay Tubel, Allacapan, Cagayan noong November 23, 2021 sa mga tauhan ng Allacapan Police Station, 203rd Mobile Force Platoon ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company at 203rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Batallion 2.
Isiniwalat niya na na-recruit siya ni Sylvinia Bumanglag na nangako umanong magiging libre ang kanilang National Irrigation Administration (NIA) fee. Naging miyembro siya ng grupo noong 2013 at kasama siya sa mga kilos-protesta na isinagawa sa NIA-Abulug, Cagayan.
Nahikayat siyang sumuko dahil sa masigasig na pagkumbinsi ng mga kapulisan sa pamamagitan ng Lingkod Bayanihan, Bisita ni PD at COP sa Barangay at matagumpay na dialogue/meeting hinggil sa Executive Order No. 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Samantala, sumurender din sina alyas “Gibo”, 46 anyos at alyas “Rina” 34 anyos, pawang residente ng Barangay Manano, Mallig, Isabela. Ito ay sa pamamagitan ng Project “SAGIP” ng Isabela Police Provincial Office at Mallig Police Station.
Tinulungan ng mga dating miyembro ng Danggayan Dagiti Mannalon ti Isabela (DAGAMI) at Timpuyog Dagiti Marigrigat a residente ti Villa Corazon (TDMRVC) sina alyas “Gibo” at alyas “Rina” para sumuko at tuldukan ang kanilang pagsuporta sa mga teroristang grupo.
Inihayag ng dalawa na kinumbinsi sila ni Cita Managuelod alyas “Karen”, lider ng DAGAMI, na may kaugnayan sa Anakpawis Party List. Pinangakuan umano sila na aayusin ang kanilang problema sa lupain ngunit hindi ito nangyari at sa halip ay ginamit sila para magprotesta laban sa pamahalaan ng Isabela.
Patuloy ang maigting na kampanya ng Police Regional Office 2, sa tulong ng iba pang ahensya ng pamahalaan at stakeholders, upang wakasan ang insurhensya at terorismo upang matiyak ang ligtas at mapayapang Lambak ng Cagayan.
#####
Panulat ni: Police Corporal Josephine Blanche
God bless PNP always ?
God Job
God Bless PNP
God bless PNP
good job pnp
Tama po yan, magbalik po kyo sa gobyerno.
God bless PNP
Good job PNP
Good Job PNP
Good job PNP
Good job PNP
Well done PNP
Good Job as always mahal naming pulis!?❤️
welldone PNP
Good job!
Higit na mas makabubuti talaga ang pagsurrender para sa kanilang sariling kapakanan at pamilya. Good job sa ating kapulisan
Mabuhay PNP
Good job PNP! keep it up.