Mahigit P1-bilyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Bacoor City, Cavite kaninang umaga, Oktubre 1, 2021.
Arestado ang tatlong (3) suspek na kinilalang sina Jorlan San Jose, 26 anyos; Joseph Maurin, 38 anyos; at Joan Lumanog, 27 anyos. Ang mga akusado ay pawang mga residente ng Talakag, Bukidnon at kilalang mga distributor ng iligal na droga sa CALABARZON.
Narekober ng mga awtoridad sa kanila ang higit-kumulang 149 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.028-bilyon; boodle at buy-bust money; at isang Nokia cellular phone.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, ang naturang operasyon ay ikinasa ng magkasamang pwersa ng Philippine National Police (PNP), Armed Force of the Philippine (AFP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
###
Article by: Police Corporal Josephine T Blanche