Monday, November 25, 2024

5 Pulis sugatan sa ambush sa Negros Occidental

Binalbagan, Negros Occidental (February 13, 2022) – Sugatan ang limang (5) pulis matapos tambangan ng mga bandidong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Kandeda, Purok Uno, Barangay Bi-ao, Binalbagan, Negros Occidental nito lamang Pebrero 13, 2022 ng umaga.

Ayon sa inisyal na report, magsasagawa sana ng imbestigasyon ang kapulisan ng Binalbagan Municipal Police Station sa pangunguna ni PLt Charles Richard Casalan, Deputy Chief of Police, ukol sa natanggap na report na may nakitang bangkay sa Sitio Nursery Brgy. Bi-ao, subalit sila ay tinambangan ng mga armadong grupo.

Apat (4) na land mine ang itinanim sa ambush site at dalawa (2) sa mga ito ang sumabog. Tinatayang nasa 12 rebelde ang humarang sa daanan at nagsagawa ng pananambang.

Samantala ligtas namang naihatid ang limang (5) sugatang pulis sa hospital habang patuloy pang iniimbestigahan ang mga pangyayari.

Mariin namang kinondena ni Prosecutor Flosemer Chris Gonzales, Spokesperson ng Regional Task Force 6 – ELCAC ang CPP-NPA-NDF sa nangyaring pananambang at hinimok ang mga residente sa buong isla ng Negros Occidental na tumulong at makipagkaisa sa pamahalaan sa pagsugpo sa mga bandidong rebelde at sa layunin nitong tuldukan ang terorismo sa bansa.

Ang pambansang pulisya ay hindi tumitigil sa kampanya nito laban sa pagsugpo sa terorismo at hinihikayat ang publiko na magbigay impormasyon sa mga gawain at aktibidad ng mga rebeldeng grupo kung meron man sa kanilang mga lokalidad.

####

Panulat ni Patrolman Kher Bargamento

1 COMMENT

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles