Sultan Kudarat – Sa halip na magandang buhay na pangako ng rebeldeng grupo, pahirap at pasakit ang naranasan nila alyas “Ka Bernales”, “Ka Jominit”, at si alyas “Ka Enda” nang sumapi sila sa New People’s Army sa Kalamansig, Sultan Kudarat.
Dahil rito nagpasyang sumuko at magbalik-loob ang tatlo sa gobyerno sa tulong ng mga kapulisan ng Kalamansig Municipal Police Station, Regional Intelligence Division 12, at 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company nito lamang ika-15 ng Agosto 2023.
Isinuko rin ng mga dating rebelde ang kanilang armas na isang yunit ng improvised pistol at tatlong bala ng Cal. 357.
Sa ngayon ay patuloy pa ring tinutulungan ng kapulisan ang mga Former Rebel para sa kanilang mga benepisyong matatanggap mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng Gobyerno.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin