Samar – Tuluyan nang winakasan ng tatlong miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) ang pagsuporta sa Communist Terrorist Group sa Brgy. Pabanog, Paranas, Samar nitong ika-10 ng Agosto 2023.
Kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Lekoy”, 52; alyas “Mayo”, 60; at alyas “Bong”, 51, na pawang mga magsasaka at miyembro ng Yunit Militia sa ilalim ng SRC Sesame.
Malugod silang tinanggap ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Alex Dang Aoen, Force Commander.
Ang matagumpay na negosasyon ay sama-samang pagsisikap ng Intelligence Operatives ng 2nd Samar PMFC, mga tauhan ng Calbiga Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Captain Gregorio G Wabina Jr., at 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa pangunguna ng Police Captain Leslie R Lalic.
Ang mga miyembro ng UGMO ay sumailalim na sa custodial debriefing at ngayon ay nasa ilalim ng protective custody ng 2nd Samar PMFC para sa kaukulang dokumentasyon.
Sa mensahe ni PBGen Vincent S Calanoga, PRO 8 Regional Director, “The disaffiliation of the three mass supporters of the Communist Terrorist Group in Samar manifests that the government is leading the war against insurgency. We will be victorious in the fight against these rebels and we appeal to all stakeholders to help us hand-in-hand end this decade-long problem.”