Sa patuloy na pagsisikap ng pamunuan ng Police Regional Office 3 sa pagsuporta ng programa ng pamahalaan kontra insurhensya ay nahikayat nilang sumuporta at magbalik-loob sa gobyerno ang tatlong (3) miyembro ng CTG sa Tarlac at Olongapo City noong Oktubre 19, 20 at 21 ng taong kasalukuyan.
Inihayag ni PBGen Valeriano T De Leon, Regional Director, ang pagkakakilanlan ng mga nagbalik-loob na sina “Ka June”, 27 taong gulang, garbage collector at residente ng Sitio Banquireg, Barangay Iba, San Jose, Tarlac; “Ka Kalis”, 52 taong gulang, magsasaka at residente ng Purok 5, Barangay Bilad, Camiling, Tarlac; at “Ka Battery”, 50 taong gulang, magsasaka at residente ng Barangay Dolores, Cabangan, Zambales.
Pinangunahan ng 1st PMFC TPPO, 2nd PMFC, PIU Tarlac, 3rd Mech, 32nd COY 3rd MIB PA, PIU TPPO, San Jose MPS, Camiling MPS, at 304th RMFB3, ang pagsuko nina “Ka June” at “Ka Kalis” sa Tarlac.
Kasabay ng pagbabalik-loob ni “Ka June” ay ang kanyang pagsuko sa isang (1) unit ng Cal. 38 revolver na may tatlong (3) bala.
Samantala, pinangunahan din ng City Intelligence Unit, Olongapo City Police Office (CIU-OCPO), Provincial Intelligence Team, Zambales-Regional Intelligence Unit 3 (PIT-Zam-RIU3), City Mobile Force Company (CMFC)-OCPO, 25th Special Action Company (25SAC)-2nd Battalion-PNP-SAF, 70 Infantry Battalion, Philippine Army (70 IB, PA), Maritime Police Station (MARPSTA), Olongapo City, ang pagsuko ni “Ka Battery” sa Olongapo City.
Sinisiguro naman ni PBGen De Leon na hindi sila titigil sa kanilang kampanya upang sugpuin ang insurhensya sa kanilang nasasakupan.
####
Article by Patrolman John Michael D Delos Santos