Northern Samar – Matagumpay na sumuko ang tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group sa patuloy na negosasyon ng mga tauhan ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Sabang 2, Allen Northern Samar nito lamang Lunes, Setyembre 11, 2023.
Kinilala ni Police Major Norman Kiat-Ong Jr, Force Commander ng Northern Samar PMFC, ang mga sumuko na sina alyas “Bato”, 42, alyas “Jokno/Payang”, 30 at alyas “Rod/Urod”, 49, na pawang mga NPSR listed Yunit Militia member sa ilalim ng FC 2, SRC EMPORIUM.
Nakiisa rin sa negosasyon ang mga tauhan ng 43rd Infantry Battalion, Philippine Army, Northern Samar Police Provincial Office – Provincial Intelligence Unit, Allen Municipal Police Station, 804th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.
Ang mga sumuko ay nasa kustodiya na ngayon ng 1st NSPMFC para sa facilitation at assessment ng kanilang pagpapatala sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP na naglalayong tulungan ang ating mga kababayan na kasapi sa mga komunistang teroristang grupo na nais magbalik-loob sa pamahalaan.
Patuloy naman ang PNP sa kampanya nitong wakasan ang insurhensiya sa ating bansa at hulihin ang mga taong may pananagutan sa batas upang maging payapa at ligtas ang ating bayan sa anumang kriminalidad.