Buluan, Maguindanao – Patay ang tatlo at sugatan ang isang miyembro ng Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga suspek ngayong umaga, mismong araw ng halalan sa bayan ng Buluan, Maguindanao.
Kinilala ni PMaj Roldan Kuntong, Spokesperson, Maguindanao Police Provincial Office ang mga biktima na sina Misuari Dimapalao, Sajid Kamama at Tata Bulilo na kapwa dead on the spot sa nasabing pamamaril habang sugatan naman si Jadid ulangkaya.
Ayon kay PMaj Kuntong, nangyari ang pamamaril bandang 7:40 ng umaga sa labas ng bakod ng Datu Luminog Pilot School.
Narekober mula sa crime scene ang napakaraming basyo ng bala mula sa M16 armalite na siyang pinaniniwalaang ginamit sa nasabing pamamaril.
Ang bayan ng Buluan ay isa sa mga inilagay sa ilalim ng COMELEC Control sa lalawigan ng Maguindanao.
Nagpapatuloy naman ng imbestigasyon ng Maguindanao PNP sa nasabing insidente para tukuyin ang mga sangkot at motibo sa pamamaril.
###
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia