Ususan, Taguig City – Nasamsam ang 3 milyong halaga ng shabu sa Anti-Illegal Drug Operation ng pulisya ng Taguig nito lamang Huwebes, ika-3 ng Marso 2022.
Kinilala ni PBGen Jimili Macaraeg, District Director, Southern Police District ang anim na naarestong suspek na sina Menandro Martin y Marcelino, 46; Emerito Eusebio Jr. y Sabordo, 53; Paul John Miranda y Tapalla, 29; Neil Corpuz y Cruz, 52; Paul Santos y Montano, 34; at Nicanor Radores y Segovia, 40.
Ayon pa kay PBGen Macaraeg, nahuli ang mga naarestong suspek sa ganap na 10:00 ng gabi sa Amihan St., Barangay Ususan, Taguig City sa pinagsanib puwersa ng DDEU-SPD, DID, DMFB-SPD at Taguig City Police Sub-Station 4.
Batay pa sa pahayag ni PBGen Macaraeg, nasamsam sa mga suspek ang pitong buhol na transparent plastic na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, limang heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu, isang kalibre .45 (Shooters), isang magazine, pitong .45 live ammunition, isang digital weighing scale, isang violet sling bag, isang bundle na transparent plastic, Php1000 na buy-bust money at Php4000 na boodle money.
Humigit kumulang 450 gramo ang bigat ng mga nakuhang ilegal na droga na may tinatayang Standard Drug Price na Php3,060,000.
Inihahanda na ng tauhan ng Southern Police District ang mga kasong Paglabag sa Seksyon 5, 6, 7, 13 at 14 sa ilalim ng Art II ng RA 9165 at Paglabag sa RA 10591 kaugnay ng Omnibus Election Code laban sa mga naarestong suspek habang ang mga nakuhang ebidensya ay ibibigay sa SPD Forensic Unit para sa pagsusuri ng kemikal at pagsusulit sa ballistics.
” Itinuturing namin ito bilang isa sa mga pangunahing paghatak ng droga sa SPD. Ito ay nagpapahiwatig ng aming walang hanggang pangako sa gobyerno laban sa banta ng droga sa ating bansa. Tinitiyak ko sa inyo na hindi tayo titigil sa pagtugis sa mga sindikato ng ilegal na droga at tayo ay positibong magtatagumpay sa ating laban sa tulong ng publiko,”
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSG Gargantos