Nasabat ng mga tauhan ng 2nd Agusan del Norte Police Mobile Force Company katuwang ang Tubay Municipal Police Station ang tatlong loose firearms mula sa isang suspek matapos magsagawa ng search warrant kaugnay ng paglabag sa Republic Act 10591 sa Purok-4, Barangay Cabayawa, Tubay, Agusan del Norte nito lamang Enero 24, 2025.
Kinumpirma ni Police Colonel April Mark C. Young, Provincial Director ng Agusan del Norte Police Provincial Office, na ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na si alyas “Geraldeon,” 55 taong gulang, lalaki, may asawa, walang trabaho, at residente ng nasabing lugar.
Sa operasyon, nakumpiska ang isang Magnum 357 revolver, Power Custom, SN. 12204, na may limang bala ng cal. 357 at isang holster; isang Colt Cal. 45 pistol, government model M1911, SN. 829637, na may limang bala ng cal. 45; isang improvised shotgun; isang M-14 magazine na may 12 bala ng 7.62mm; isang 5.56mm rifle magazine; isang bala ng cal. 45, at isang bala ng 9mm.
Dumalo rin bilang mga saksi sa operasyon ang mga kinatawan mula sa Department of Justice, Media, at opisyal ng Barangay.
Kasong paglabag sa Republic Act 10591, na kilala bilang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang kakaharapin ng suspek.
“Agusan del Norte PNP continues to implement new and effective anti-crime strategies, particularly targeting loose firearms. With the 2025 National and Local Elections approaching, our goal is to achieve a safer Agusan del Norte, aiming for zero gun-related crimes. I encourage gun owners with expired licenses or unregistered firearms to take a responsible step by surrendering them to authorities for safekeeping,” ani PCol Young.
Panulat ni Pat Karen Mallillin