Arestado ang tatlong lalaki ng mga tauhan ng Sub-Station 9 (Villamor) ng Pasay City Police Station matapos maaktuhang nagsusugal ng Cara y Cruz dakong 5:30 ng umaga sa Barangay 201, Pasay City nito lamang Miyerkules, Abril 9, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Joselito M. De Sesto, Hepe ng Pasay CPS, ang mga suspek na sina alyas “Joey”, 40, taga Barangay 183, Pasay City; alyas “Sandy”, 40, ng Parañaque City; at alyas “Joshua”, 22, ng Barangay 182, Pasay City.
Narekober mula sa mga suspek ang tatlong (3) barya, Php500 bill na taya, isang kalibre .38 na baril na may bala, at tinatayang 0.28 gramo ng hinihinalang shabu.
Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa PD 1602 (Illegal Gambling), Republic Act 10591 (Firearms Law) kaugnay ng RA 7166 (Omnibus Election Code), at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Patuloy ang Pasay City PNP, sa pakikipag-ugnayan sa Southern Police District, sa pagpapaigting ng mga proaktibong operasyon upang matiyak ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng mamamayan.
Source: SPD PIO
Panulat ni PMSg Remelin Gargantos