Davao City (January 25, 2022) – Arestado ang isang 18 anyos na babae at dalawa (2) pang kasama nito sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Davao City Police Office (Police Station 2) Sta. Ana, sa pamumuno ni PMaj Jake Goles, Station Commander sa Anitap Lodge, Purok 2 Quezon Boulevard, Brgy. 24-C, Davao City, Enero 25, 2022.
Nakuha sa mga suspek ang mga plastik sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 10 gramo at estimated street market value na humigit kumulang Php160,000, at ang marked money na ginamit ng mga awtoridad matapos mahuli sa akto ng pagbebenta sa isang pulis na nagpanggap bilang isang poseur-buyer.
Kinilala ang mga suspek na sina Regner Indino Capoy, alyas “Regner”, 52 taong gulang na residente ng Purok 9 New Loon, Tugbok Dist., Davao City.; Mangandog Dimaporo Abubakar, 54 taong gulang na residente ng Purok 2, Isla Verde Brgy. 23-C, Davao City.; at si Kim Anthonite G Aliviado, 18 taong gulang na resident ng Sta. Cruz Brgy. Leon Garcia Sr., Agdao, Davao City.
Tinuturing na High-Value Individuals (HVI) ang mga suspek at naniniwala ang pulisya na malaking kabawasan ang pagkakahuli sa mga ito sa sirkulasyon ng ilegal na droga sa Brgy. 24-C, Davao City.
Sinampahan na rin ang tatlo ng kaso para sa paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
###
Panulat ni Patrolman Alfred D. Vergara
Salamat s mga Alagad Ng Batas