Bato, Leyte – Arestado ang tatlong drug suspect at nabuwag ang isang drug den sa isinagawang PNP-PDEA 8 buy-bust operation sa Brgy Tinago, Bato, Leyte nitong Biyernes, Setyembre 30, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Edwin C Balles, Provincial Director ng Leyte PPO, ang mga naaresto na sina Jerome Bibera y Cabilan (maintainer), Joseph Garao y Geromo, at Leo Magnawa y Rola.
Ayon kay PCol Balles, naaresto ang mga suspek bandang 1:10 ng madaling araw sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng PDEA 8, PDEU-Southern Leyte Police Provincial Office, PDEU-Leyte Police Provincial Office, RSET at Bato Municipal Police Station.
Nakumpiska sa mga naaresto ang ilang pirasong small heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 12 grams na may estimated market value na Php81,600.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at pansamantalang nakakulong sa PDEA RO8 Detention Facility.
Tinitiyak naman ng PNP-PDEA 8 sa publiko na patuloy ang kanilang Anti-Illegal Drugs Operation sa pagsugpo sa aktibidad ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan tungo sa mas ligtas at maayos na pamayanan.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez