Navotas City (January 13, 2022) – Pinuri ni PMGen Vicente Danao Jr, ang tiyaga ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas City Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol Dexter Ollaging, Chief of Police, sa matagumpay na pagsagawa ng drug sting na nagresulta sa pag-aresto sa tatlong (3) suspek noong Enero 13, 2022 bandang 11:30PM sa kahabaan ng R10 Road, Brgy., NBBN, Navotas City.
Sa ulat ni PBGen Jose Hidalgo Jr, nagsagawa ng planong buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU, sa pamumuno ni PLt Luis Rufo Jr., katuwang ang PDEA. Isang undercover na operatiba ang nagpanggap bilang poseur-buyer, nang matapos ang deal, inaresto ang mga suspek.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Noraima Esmail y Bago alyas Noraima, 32 years old, may asawa, walang trabaho at residente ng Ilaya St., Brgy., 7, Tondo, Manila; Ma. Clarise Certeza y Frago alyas Clarise, 32 years old, binata, walang trabaho at residente ng 92 B. Mata St., Brgy. 108, Tondo Manila at Erickson Verona y Raon alyas Erick, 36 years old, single, walang trabaho, at residente ng Quezon St., Brgy. 116, Tondo Manila.
Ang mga piraso ng ebidensyang nakumpiska na mula sa pag-aari at kontrol ng mga suspek ay isang (1) pirasong self-sealing transparent plastic bag container; one (1) piece genuine Php1000 bill; Php1500 bill na may iba’t ibang denominasyon; isang (1) kulay abong body bag; isang (1) pirasong maliit na note book at isang (1) yunit ng cellular phone.
Ang mga nakumpiskang ilegal na droga na hinihinalang shabu ay may tinatayang timbang na 158 gramo na may katumbas na Standard Drug Price na Php1,074,400.
Ang nasamsam/nakumpiskang hinihinalang shabu ay isinumite sa PNP-NPD CLO, Samson Road, Caloocan City para sa quantitative at qualitative analysis. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Navotas CPS ang mga suspek habang nakabinbin ang kanilang presentasyon sa Inquest Prosecutor para sa mga paglilitis.
Ang Pambansang Pulisya ay hinding-hindi titigil na labanan ang mga taong sangkot sa ilegal na droga upang mapuksa ang isa sa mga dahilan kung bakit mayroon krimen sa ating bansa.
#####
Panulat ni Patrolwoman Nica V Segaya
Good Job Team PNP salamat