Pinasimunuan ng Marinduque Police Provincial Office ang pagsasagawa ng 3-Days Basic Graphic Arts Design Seminar na ginanap sa Camp Colonel Maximo Abad, Bangbangalon, Boac, Marinduque nito lamang Pebrero 26, 2024 at magtatagal hanggang Pebrero 28, 2024.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pangunguna ni Police Colonel Arthur A Salida, Provincial Director ng Marinduque Police Provincial Office at dinaluhan ni Mr. Richard Justin Lancion ng Department of Information and Communications Technology (DICT) bilang panauhing tagapagsalita.

Dahil sa malawakang paggamit at pangangailangan sa mga makabagong technolohiya ang pagsasagawa ng seminar na ito ay naglalayong mapaunlad ang kakayahan at abilidad ng kapulisan pagdating sa usapin ng digitalization na siyang isinusulong ng ating Pangulong Marcos.

Daan din ito sa matagumpay na pagganap at pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng ICT.

Ang pagkatuto ng mga makabagong kaalaman hinggil sa paggamit ng makabagong teknolohiya ay siya ring daan sa pagbabagong inaasam sa ating bayan.
Source: Marinduque Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña