Aglipay, Quirino – Nagsagawa ng tatlong araw na Shoot-for-a-Cause ang 1st Quirino Provincial Mobile Force Company sa Quirino Provincial Police Office Shooting Range, San Leonardo, Aglipay, Quirino mula Hunyo 17-19, 2022.
Ang aktibidad ay nabuo sa pangunguna ni PLtCol Eugenio Mallillin, Force Commander ng 1st Quirino PMFC kasama ang Company Advisory Group sa katauhan ni Ms Joan Javier, Chairperson.
Ayon kay PLtCol Mallillin, isinagawa ang naturang shootfest upang makalikom ng pondo na gagamitin sa mga proyekto para sa mga benepisyaryo ng 1st Quirino PMFC Really Cares Program at Project L.I.G.H.T. o Libreng Ilaw Galing sa puso Hatid ng Tropa.
Umabot naman sa 94 na katao ang masayang nakilahok mula sa iba’t ibang munisipalidad at probinsya sa lambak ng Cagayan.
Dagdag pa ni PLtCol Mallillin, ang shooting activity ay mayroong anim na stages na tiyak na nagpasaya sa mga kalahok.
Naging posible ang Shoot-for-a-Cause Activity ng 1st QPMFC sa pamamagitan din ng tulong ng Philippine Shooters Match Officers Confederation at ng Quirino Gun Club Incorporated.
Samantala, ang masayang kompetisyon ay naglalayon din na palawakin pa ang mga programa ng PNP upang makalikom ng pondo na magagamit sa pagtulong sa higit na nangangailanagan.
Source: 1st Quirino PMFC
###
Panulat ni Police Corporal Jermae D Javier