Kusang nagbalik-loob sa pamahalaan ang mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF – Karialan Faction sa punong himpilan ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat nito lamang Pebrero 12, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Christopher Bermudez, Provincial Director ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, ang sumuko na sina alyas “Abu”, 38, may asawa, magsasaka; alyas “Omar”, 28 anyos, may asawa, magsasaka; at alyas “Usop”, 18 anyos, binata at kapwa mga residente ng Barangay Salibutan, Mamasapano, Maguindano Del Sur.
Isinuko rin nila ang kanilang mga armas na isang yunit ng M14 7.62mm rifle, isang ingram submachine gun at isang rifle grenade.
Ikinagagalak naman ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang nasabing pagsuko at nanawagan sa mga natitira pang mga kasapi ng BIFF na magbalik-loob na at yakapin ang inaalok na programa ng pamahalaan.
Panulat ni Patrolwoman Flora Mae P Asarez