Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang tatlong supporter ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga otoridad sa Poblacion Siayan, Zamboanga del Norte nito lamang ika – 17 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Captain Najib B Alip, Officer-In-Charge ng Siyan Municipal Police Station, ang sumuko na si alyas “Ron”, 31 anyos; alyas “Moy”, 45 anyos; alyas “Jim”, 32 anyos, pawang mga residente ng Sitio Tumanong Barangay Macasing, Siayan, Zamboanga del Norte.
Ang tatlo ay dating mga supporter at koriyer ng MRGU sa ilalim ng WMRPC at nagbalik-loob sa pamahalaan sa pagnanais na mamuhay ng maayos at tahimik kasama ang kanyang pamilya.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng CTG na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.