Sultan Kudarat – Sumuko ang tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga awtoridad sa Sitio El Lembol, Brgy. Suli, Kiamba, Sarangani Province nito lamang ika-8 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ni Police Colonel Maximo Sebastian Jr., Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 12, ang tatlong sumuko na sina alyas “Mike”, 27; alyas “YenYen”, 36; at alyas “Erick”, 38, pawang mga residente ng Purok Matingao-1, Brgy. Tambilil, Kiamba, Sarangani Province.
Naging posible ang pagsuko ng mga CTGs dahil sa patuloy na negosasyon ng mga tauhan ng 1204th Maneuver Company ng RMFB 12, 2nd Sarangani Provincial Mobile Force Company, Sarangani Police Provincial Office at 38th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Pahayag ng mga sumuko na sawa na sila sa labis na hirap, gutom, at pang-aabusong nararanasan nila sa loob ng kilusan kaya’t napagpasyahan nilang tumiwalag sa grupo.
“It is imperative for us to relentlessly engage the community and collaborate with other government agencies in our fight against CTG. Working hand and hand is the key to our success in winning the battle,” ani PCol Sebastian Jr.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin