Cotobato – Sumuko ang tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa mga awtoridad sa Brgy. Ladtingan, Pikit, Cotabato nito lamang ika-18 ng Agosto 2023.
Ayon kay Police Major Arvin John Cambang, Hepe ng Pikit Municipal Police Station, ang tatlong sumukong personalidad ay dating miyembro ng BIFF-Karialan Faction at pawang residente ng Brgy. Manaulanan, Pikit, Cotabato.
Ibinunyag ng mga sumukong indibidwal na hindi na nila kinaya ang hirap sa patuloy na pagtatago lalo’t nakararanas sila ng gutom, pagod, at takot sa kanilang buhay.
Isinuko din nila ang kanilang armas na dalawang yunit ng Grenade Rifle at isang Homemade Cal. 30 Barret Sniper.
Napadali ang pagsuko ng tatlong BIFF members sa tulong ng mga tauhan ng Pikit Municipal Police Station, Philippine Army, at Regional Mobile Force Battalion 14.
Nagpasalamat naman si Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, sa mga dating rebelde sa pagtugon sa panawagan ng gobyerno na magbalik-loob sa pamahalaan at mamuhay ng mapayapa at tahimik sa piling ng kanilang pamilya.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin