Zamboanga Sibugay (January 9, 2022) – Tatlo ang naitalang lumabag sa gun ban sa unang araw ng 150-day election period noong Enero 9, 2022, ayon sa tala ng PNP Western Mindanao para sa 2022 National and Local elections sa darating na Mayo 9.
Ayon kay Police Brigadier General Franco Simborio, Regional Director ng Police Regional Office-9, patuloy ang operasyon ng seguridad upang ipatupad ang COMELEC-imposed prohibitions laban sa mga baril, nakamamatay na armas at hindi awtorisadong mga security personnel.
Makalipas ang hating gabi noong Linggo, 12:50 AM, sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Poblacion, Imelda, Zamboanga Sibugay, arestado ng mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint si Wendell Datoy y Deocariza, 39 taong gulang, dahil sa pagdadala ng cal.45 pistol, nabigo ang suspek na magpakita ng anumang dokumento ukol sa pagbibitbit niya ng nasabing baril.
Makalipas ang ilang oras alas-4:15 ng umaga sa Barangay Sanito, Ipil, Zamboanga Sibugay, naharang sa isang PNP-COMELEC checkpoint ang dalawang lalaking riding in tandem sakay ng Honda motorcycle. Nakuha ng pulisya ang isang replica ng Model 1911 pistol mula sa mga suspek na si Earon Jay A Mascara, 18 anyos, at isang 17 anyos na kasamahan, kapwa residente ng Purok Triangle Village, Brgy Sta Cruz, Kabasalan, Zamboanga Sibugay.
Nagpapatunay lamang ito ng puspusan at agresibong pagpapatupad ng PNP ng COMELEC Resolution No. 10728 upang masiguro ang maayos at payapang halalan para sa bawat Pilipino ngayong taon.
######
Panulat ni PAT CHRIS LORENZ ANGAT-RPCADU 9
Galing tlga ng mga Kapulisan salamat s serbisyo