Nakiisa sa Serbisyo Caravan ang mga tauhan ng 2nd Palawan PMFC na isinagawa sa Sitio San Dionesio, Barangay Malcampo, Roxas, Palawan nito lamang ika-5 ng Oktubre 2024.
Ito ay inorganisa ng LGU-Roxas katuwang ang 2nd Palawan PMFC, MBLT-11: Coast Guard Station-North Central Palawan, RHU Medical Team, at mga opisyales ng nasabing barangay.
Ang mahigit 500 na residente ay nakatanggap ng libreng serbisyo tulad ng libreng gupit, tuli, medical consultation, gamot, bakuna sa mga alagang hayop, buto ng gulay para sa pagtatanim, pagproseso ng mga dokumentong sibil, Livelihood Training ng “Foot Massage Therapy”, at iba pang mahahalagang serbisyong hatid ng iba’t ibang ahensya.
Layunin ng programa na maiparating sa mamamayan ang mga libreng serbisyo na handog ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang maisulong ang Bagong Pilipinas. Source: 2nd Palawan PMFC