Nueva Vizcaya – Pinangunahan ng 2nd Nueva Vizcaya PMFC ang Unity Walk kaugnay sa programang BIDA na idinaos sa Brgy Dopaj, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya nitong ika-1 ng Disyembre 2022.
Sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Joberman Videz, Force Commander ay aktibong nakilahok ang Dupax del Sur Police Station at Local Government Unit (LGU) ng nabanggit na lugar.
Layunin ng aktibidad ang holistic na kampanya na bawasan ang demand ng droga sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa komunidad at sa pagsali sa kampanya laban sa ilegal na droga at pagpapataas ng kaalaman ng publiko sa mga masasamang epekto ng droga upang mabawasan ang pagdami nito sa ating komunidad.
Source 2nd Nueva Vizcaya PMFC
Panulat ni PCpl Harry B Padua