Aktibong nakilahok ang mga tauhan ng Nueva Ecija 2nd Provincial Mobile Force Company sa isinagawang Bloodletting Activity ng Kapisanan ng mga Broadcaster, Nueva Ecija Chapter sa NE Pacific Mall, Cabanatuan City, Nueva Ecija nito lamang Sabado, ika-22 ng Marso, 2025.
Aktibong nakilahok ang naturang yunit sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Way C Bitog, Force Commander, na inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija na may temang “Donate your Blood, Save a Life”.
Dumaan sa iba’t ibang screening ang mga donors upang masiguro ang kanilang kaligtasan at pati ang mga benepisyaryo ng nalikom na dugo.
Layunin ng aktibidad na makalikom ng dugo upang makapagbigay ng libreng suplay para sa mga pasyenteng may malulubhang karamdaman.
Sa pamamagitan nito, nabibigyan ng pag-asa na madugtungan ang kanilang buhay at nababawasan ang pasanin ng kanilang mga pamilya.
Patuloy na nakikilahok ang Pambansang Pulisya sa mga ganitong aktibidad upang makapagbigay ng tulong sa mga mamamayan, lalo na sa mga lubos na nangangailangan.
Panulat ni Pat Pearl Crystalynne Javier