Nakiisa ang mga tauhan ng 2nd Nueva Ecija Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Community Outreach Program ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose sa Barangay Parang Mangga, Nueva Ecija nito lamang Huwebes, ika-20 ng Marso 2025.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Warly C Bitog, Force Commander, ang mga tauhan ng naturang yunit, kasama ang mga empleyado ng nasabing Lungsod sa pangunguna ni Mayor Mario “Kokoy” O. Salvador, kung saan iba’t ibang libreng serbisyo ang naihatid sa mga residente.
Kabilang dito ang libreng gupit at hair color, manicure at pedicure, libreng masahe, medical at optical check-up, at pamamahagi ng libreng bitamina, salamin sa mata, at mga punla ng gulay.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga residente sa tulong na kanilang natanggap, lalo na’t malaking ginhawa ang hatid ng mga serbisyong ito sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa ganitong mga programa, ang ating kapulisan ay hindi lamang tagapagpatupad ng batas kundi katuwang din ng mamamayan sa pagbibigay ng serbisyong panlipunan, na nagpapalakas ng ugnayan ng gobyerno, PNP, at komunidad tungo sa isang mas maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Lixen Reyz A Saweran