Monday, October 21, 2024

2nd Cagayan PMFC, nagsagawa ng Feeding Activity sa mga mag-aaral sa Bayan ng Pamplona, Cagayan

Cagayan – Nagsagawa ng Feeding Activity ang kapulisan ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni PLtCol Darwin John Urani, Force Commander, sa mga mag-aaral ng Curva Elementary School, Pamplona, Cagayan nitong ika-1 ng Setyembre 2023.

Ang aktibidad ay bilang bahagi ng H2H o “Heart to Hand” Program ng paaralan kung saan katuwang ng paaralan ang mga kapulisan sa implementasyon nito.

Ang programa ay naglalayong matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral lalo na sa aspetong pangkalusugan.

Nagbahagi din ng talakayan ang kapulisan patungkol sa Anti-Bullying Act upang mabigyan proteksyon ang mga mag-aaral sa loob at labas ng eskwelahan. Dagdag pa rito, ang paalala sa mga magulang at guro na huwag gawing panakot ang kapulisan sa mga bata.

Ayon sa mensahe ni PLtCol Urani, kanyang sinabi na ang ganitong aktibidad ay magpapatuloy upang lalong magabayan at masubaybayan ang kalusugan ng mga mag-aaral sa tulong ng kanyang mga tauhan, stakeholders at ang mga aktibong miyembro ng Company Advisory Group na siyang nag-aabot ng suporta sa nasabing programa.

Iginawad naman ng Punong Guro na si Bb. Lyra Maryh Macabugao ang Certificate of Recognition bilang pasasalamat sa kapulisan sa patuloy na pagsuporta, pagbibigay ng tulong, biyaya at kaalaman sa kanilang mga mag-aaral at sa kanilang paaralan.

Matatandaang nakiisa ang mga  kapulisan sa kanilang Brigada Eskwela noong nakaraang buwan.

Bakas naman ang tuwa ng mga bata at kanilang mga magulang sa pagbisita muli ng Mamang at Manang Pulis sa kanilang paaralan,  maging sa inihandang pagkain na kanilang pinagsaluhan.

Source: 2nd Cagayan PMFC

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,280SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles