Kabugao, Apayao – Nakiisa ang mga tauhan ng 2nd Apayao Provincial Mobile Force Company sa pagsagawa ng Brigada Eskwela sa Kalliat Integrated School, Centro Kalliat, Brgy. EKB, Kabugao, Apayao nito lamang Agosto 13, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Senior Master Sergeant Jonathan Na-oy sa ilalim ng liderato ni Police Lieutenant Colonel Joselito Tulagan Lamsen, Force Commander, 2nd Apayao PMFC.
Katuwang din sa nasabing aktibidad ang mga guro, estyudante, magulang, Alpha Phi Omega Apayao Chapter, City Environment and Natural Resources Office-Kabugao, 98th Infantry Battalion Philippine Army at barangay officials ng nasabing lugar.
Layunin ng aktibidad na masigurong malinis at maayos ang naturang paaralan sa nalalapit na pagbubukas ng face-to-face classes.
Ang 2nd Apayao PMFC ay patuloy na maglilingkod at magbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan partikular sa pag-aaral ng mga bata para sa kanilang seguridad at kaligtasan.
Source: Second Apayao PMFC
###
Panulat ni Patrolwoman Febelyne Codiam