Saturday, November 16, 2024

29th PNP Ethics Day, isinelebra sa Kampo Crame

Quezon City — Kasalukuyang isineselebra ng pulisya ang ika-29th PNP Ethics Day ngayong Lunes, Enero 16, 2023 na pormal na isinabay at idineklara sa Traditional Monday Flag Raising sa National Headquarters sa Kampo Crame, Quezon City.

Ang tema ngayong selebrasyon ay “Serbisyong may Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan Tungo sa Kaunlaran, Handog ng Pambansang Pulisya Kabalikat ang Simbahan at Pamayanan.”

Panauhing pandangal naman si Secretary Roman A Felix, Presidential Adviser on Military and Police Affairs kung saan kanyang binati ang sampung PNP personnel na ginawaran ng Medalya ng Papuri at Medalya sa Pagtulong sa Nasalanta dahil sa kanilang mga “good deeds” at serbisyo sa kanilang mga nasasakupan. Kanya ring ibinahagi sa kapulisan ang mensahe ng isang tanyag na manunulat na si Mr. Elbert Hubbard na pinamagatang, “Pledge of Loyalty.”

Samantala, muling nanawagan si General Rodolfo Azurin Jr., sa mga iba pang 3rd Level Officials na hindi pa nakakapagpasa ng kanilang “Courtesy Resignation” bilang pakikiisa sa panawagan ni DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr., na linisin ang PNP at mapanatili ang integridad ng organisasyon at mga miyembro nito.

Kanya ring hinikayat ang kanyang hanay na panatilihin at laging gawing pamantayan ang PNP Code of Ethics sa kanilang napiling propesyon, aniya, “We must continue to strive for excellence in all that we do, let us recommit ourselves to practice the PNP’s customs and traditions and institutionalize the habit of values as embodied in the PNP Code of Professional Conduct and Ethical Standards.”

Panulat ni PCpl Jhoanna Marie Najera-Delos Santos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles