Cagayan de Oro City – Ipinagdiwang ng Police Regional Office 10 ang 29th PNP Ethics Day na may temang “Serbisyong may Malasakit, Kaayusan, at Kapayapaan Tungo sa Kaunlaran, Handog ng Pambansang Pulisya Kabalikat ang Simbahan at Pamayanan” na ginanap sa Regional Headquarters, New Grandstand Camp 1Lt Vicente G Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nitong umaga Enero 16, 2023.
Ito ay pinangunahan mismo ni Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10 kasama ang Command Group.
Kasabay nito, ang paggawad ng Medalya ng Papuri sa limang miyembro ng Hilagang Mindanao at isang Non-Uniformed Personnel sa pagpapakita ng serbisyong makatao sa ating komunidad o “good deeds” sa kanilang pamayanang nasasakupan.
Naging panauhing pandangal si Atty Jerome Asuga, Regional Director ng National Police Commission 10 at nag-iwan ng magandang mensahe sa buong hanay ng Police Regional Office 10.
Ang aktibidad na ito ay nakaangkla sa programa ng Pambansang Pulisya na Revitalized PNP KASIMBAYANAN na naglalayon na lalo pang hubugin ang propesyonalismo at disiplina ng kapulisan upang maihatid ng buong puso ang serbisyong makatao sa ating pamayanan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10