Dalawang araw bago ganapin ang midterm election, umaabot na sa 2,923 katao ang naaresto ng mga awtoridad kaugnay ng paglabag sa gun ban, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Sabado.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na karamihan sa mga naaresto sa gun ban ay mula sa Metro Manila na nasa 1,007 na sinusundan ng Central Visayas na nasa 380 katao habang pumapangatlo ang Central Luzon na nasa 360.
Kabilang naman sa mga nasakote sa gun ban ay 19 PNP personnel, 18 sa AFP, pito (9) mula sa iba pang law enforcement agencies, siyam (9) elected government officials, dalawang (2) appointed government officials, anim (6) CAFGUs, 13 dayuhan, tatlong (3) meno-de-edad, tatlong (3) pinaghihinalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at 48 security guards.
Ayon pa kay PBGen Fajardo, pinakamarami sa mga nasakote ay mga sibilyan na umaabot sa 2,795.
Naitala naman na 3,011 mga armas ang nakumpiska.
Inihayag pa ni PBGen Fajardo NA patuloy naman ang kanilang operasyon laban sa mga kaso ng vote-buying at nanawagan sa netizens na i-report ang anumang insidente sa mga awtoridad.
Ipinatupad ang gun ban noong Enero 12 sa pagsisimula ng election period.
Source: Pilipino Star Ngayon