Arestado ng mga awtoridad ang isang 29 anyos na lalaki na nahaharap sa kasong Statutory Rape sa Barangay Poblacion, Polomolok, South Cotabato nito lamang Disyembre 21, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Peter L Pinalga Jr., Officer-In-Charge ng Polomolok Municipal Police Station, ang hinuling suspek na si alyas “Alvin”, na residente ng nasabing lugar, at itunuturing na Top 2 Municipal Most Wanted Person, Top 3 Provincial MWP, at Top 10 Regional MWP.
Ayon kay PLtCol Pinalga Jr, inaresto si “Alvin” ng mga tauhan ng Polomolok Municipal Police Station sa bisa ng arrest warrant para sa kasong Statutory Rape na walang rekomendadong piyansa.
Ang PNP ay hindi titigil sa paglaban sa mga may pagkakasala sa batas at iba pang ilegal na aktibidad para manatiling ligtas at maayos ang komunidad.