Arestado ang isang lalaki sa pinaigting na kampaya ng Roxas City Police Station laban sa ilegal na droga sa operasyon na isinagawa sa Barangay Punta Tabuc, Roxas City, Capiz noong ika-20 ng Mayo 2024.
Ayon kay PLtCol Francisco D Paguia, hepe ng Roxas CPS, naging matagumpay ang ikinasang operasyon sa tulong ng puwersa ng Capiz Maritime Police Station, Capiz Provincial Highway Patrol Team, at Provincial Intelligence Team Capiz, RIU 6 na humantong sa pagkakaaresto ng isang 29 taong gulang na lalaki, naitalang Street Level Individual, binata at residente ng nasabing syudad.
Nakumpiska sa suspek ang mahigit-kumulang 12 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php81,600.
Nakuha sa pagmamay-ari ng suspek ang isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item), limang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, Php5,000 buy-bust money, Php4,900 na pera at iba pang non-drug items.
Patuloy ang Roxas City PNP sa kanilang pagsisikap na wakasan ang ilegal na droga sa kanilang nasasakupan para sa mas ligtas na komunidad.
Source: PCADG Western Visayas
Panulat ni Pat Charmaine Balunsat