Iloilo City – Kasabay ng regular Monday Flag Raising Ceremony, matagumpay na isinagawa ng Police Regional Office 6 ang Kick-Off Ceremony para sa 28th Police Community Relations Month na may temang “Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan” sa Camp Gen Martin Teofilo Delgaso, Fort San Perdro, Iloilo City, nitong ika-3 ng Hunyo 2023.
Ang naturang kick-off ceremony ay pinangunahan ni PBGen Sidney Villaflor, Acting Regional Director ng PRO6, at ang naging panauhing pandangal at tagapagpasalita ay si Atty. John Edward G Gando, Vice Governor ng Guimaras.
Sa naging talumpati ni Atty. Edward Gando, kanyang pinasalamatan ang buong hanay ng PRO6 sa pag-imbita sa kanya bilang tagapagsalita at siya rin ay nagpahayag ng kanyang pagbati para sa pagbubukas at pagdiriwang ng 28th PCR Month, kasabay nito ang pagbibigay ng mga parangal sa mga personahe mula sa iba’t ibang unit ng Police Regional Office 6 para sa kanilang hindi matatawarang pagseserbisyo.
Ang aktibidad ay dinaluhan din ng PRO6 Command Group, Personal at Special Staff, Chief ng mga NSUs at mga Force Multipliers.
Sa ikalawang bahagi naman ng aktibidad ay isang Motorcade Caravan ang isinagawa kung saan namahagi ng hygiene kits package ang kapulisan ng PRO6 sa pangunguna ng Regional Community Affairs and Development Division sa bawat residenteng nadadaanan nito sa lungsod ng Iloilo.