Friday, November 29, 2024

27th PCR Month Kick-off Ceremony, pinasinayaan ng PNP Central Visayas

Naga City, Cebu – Pormal na binuksan ng kapulisan ng Central Visayas ang pagdiriwang ng ika-27 Police Community Relations Month sa Kick-off Ceremony na inilunsad nito lamang umaga ng Lunes, ika-4 ng Hulyo 2022 sa Enan Chiong Activity Center, East Poblacion, Naga City.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Regional Director ng Police Regional Office 7, Police Brigadier General Roque Eduardo DP Vega at masugid na sinuportahan at dinaluhan ng Alkalde ng Naga City, Hon. Val Chiong; OIC NAPOLCOM, Atty. Risty N Sibay; Chairman, RACPTD 7, Mr. Prudencio J Gesta; PNP National Operational & Administration Support Unit; Command at Staff Group ng PRO 7.

Dumalo rin sa naturang programa ang mga kawani ng BJMP, BFP, NAPOLCOM, LGU, KKDAT Officers, Advocacy Support Group, at stakeholders ng naturang bayan.

Sa pambungad na mensahe ng Alkalde ng Naga, binigyang diin nito ang kahalagahan ng komunikasyon at ang pagkakaroon ng maayos na ugnayan ng otoridad sa komunidad para sa maayos at matagumpay na pagtupad ng kanilang tungkulin.

Samantala, sa makatwirang paliwanag ni Atty. Risty N Sibay, sa Presidential Proclamation No. 764 na nilagdaan noong Enero 2005, idineklara ang buwan ng Hulyo bilang buwan ng PCR at naglalayong patatagin ang ugnayan at palakasin ang partisipasyon ng komunidad sa mga programa ng PNP lalo na sa community policing.

Binigyang kilala naman sa nasabing gawain ang mga stakeholders para sa kanilang huwarang pagganap ng kanilang tungkulin.

Pagkatapos ng paggawad, pinuri rin ng naging tagapagsalita ng programa, Mr. Prudencio J Gesta ang buong hanay ng pambansang pulisya sa pagsulong ng mga makabuluhang gawain para sa ikabubuti ng bawat mamamayan at ikakaayos ng pamayanan.

Hinikayat din nito ang buong PRO 7 at maging ang lahat ng ahensya na nakiisa sa nasabing programa na ipagpatuloy ang pagsasapuso sa pagtupad ng kanilang tungkulin ng mas tumatatag ang nabuong maayos na ugnayan sa komunidad.

Nagtapos ang nasabing aktibidad sa isang caravan na kung saan ay muling nagbahagi ng mga libreng serbisyo publiko sa lahat ng dumalo katulad na lamang ng libreng medical at dental assistance, libreng tuli, libreng legal consultation, food packs at marami pang iba.

###

Panulat ni Patrolman Edmersan Llapitan

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles