Camp BGen Rafael T. Crame – Ipinagdiwang ang 27th Police Community Relations Month Culminating Activity na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan” na pinangunahan ng Directorate for Police Community Relations na ginanap sa PNP Multi-Purpose Center nito lamang Huwebes, ika-28 ng Hulyo 2022.
Personal na dinaluhan ang naturang pagdiriwang ni Department for Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Peace and Order na si Oscar F. Valenzuela na kumatawan sa Kalihim ng kagawaran na si Secretary Benjamin C. Abalos, Jr.
Sa kanyang binigay na talumpati ay nagbalik-tanaw ang USec sa kahalagahan ng ugnayang pulisya at komunidad mula sa kanyang personal na kinaharap na karanasan bilang dating miyembro ng hanay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas, na ayon pa sa kanya ay ugnayang ito ay lumaban para sa puso’t isipan ng bawat tao na susi sa pagsugpo sa terorismo.
Samantala, nagpaabot din ng mensahe ng pagbati si Sec. Abalos, Jr. sa isang maikling video message kung saan sinabi niya na ang tagumpay ng PNP ay hindi lamang tagumpay ng kapulisan bagkus ito ay tagumpay ng sambayanang Pilipino, at ituring ang bawat tagapagpatupad ng batas bilang mga nakakatandang ate’t kuya.
Ginawaran din ng pagkilala ang iba’t ibang miyembro ng tanggapan ng Police Community Relations at opisina sa buong bansa na nagpakita ng katangi-tanging pagganap bilang mga PCR personnel and offices.
Pinarangalan bilang Outstanding Personnel ang mga sumusunod na miyembro ng DPCR: Police Colonel Madzgani M. Mukaram (Best Senior Police Commissioned Officer), Police Lieutenant Colonel Lorenzo P. Bernas (Best Junior PCO), Police Chief Master Sergeant Annajar K. Uddin (Best Senior Police Non-Commissioned Officer), Police Master Sergeant Arneil A. Dela Cruz (Best Junior PNCO), Non-Uniformed Personnel Rosie C. Ballon (Best NUP Supervisory Level), at NUP Geovani C. Absalon bilang Best NUP Non-Supervisory Level.
Samantala, kinilala naman bilang Most Outstanding Police Community Affairs and Development personnel sa buong bansa ang mga sumusunod: PCol Jonathan O. Panganiban ng Regional Community Affairs and Development Division ng Police Regional Office 5 (PCAD Senior PCO); Police Major Rowena M. Jacosalem ng RCADD, PRO 11 (PCAD Junior PCO); PMsg Ma. Danica Eve A. Camado ng San Pablo City Police Station, PRO 4A (PCAD Senior PNCO); Police Staff Sergeant Precious F. Barrozo mula sa Dagupan CPS, PRO 1 (PCAD Junior PNCO); at NUP Rennie G. Baticos na mula naman sa RCADD, PRO 6 bilang PCAD NUP.
Nakamit naman ng mga sumusunod na tanggapan ang pagkilala bilang Most Outstanding PNP Units: RCADD, PRO 5 bilang Best RCADD; Regional Mobile Force Battalion 9 naman bilang Best RMFB; Davao Norte Police Provincial Office, PRO 11 bilang Best Provincial Community Affairs and Development Unit; 1st Provincial Mobile Force Company, Cagayan PPO, PRO 2 naman ang nagkamit ng Best PMFC Provincial Office; Iligan City Police Office, PRO 10 sa kategoryang Best CPO; Bayugan City Police Station, Agusan del Sur PPO, PRO 13 naman bilang Best CPS; Sta Elena Municipal Police Station, Camarines Norte PPO, PRO 5 para sa Best MPS; PNP Training Service naman pasa sa Best National Administrative Support Unit; at nakamit naman ng PNP Special Action Force ang pagkilala bilang Best National Operational Support Unit.
Binigyan din ng natatanging pagkilala ang mga sumusunod na tanggapan na nagpakita ng katangi-tangi at kapuri-puring pagganap na nagdaang kalamidad nang salantahin ng bagyong Odette ang Visayas at ilang parte ng Mindanao: Police Community Affairs and Development Group, PRO 6, PRO 7, PRO 8 at PRO 13.
Ang bawat miyembro ng hanay ng PNP ay mananatili at patuloy na mangunguna sa pagpapaulad ng ugnayang pulis at komunidad upang magkaroon ng isang mapayapa, maayos at maunlad na pamayanan.
###
Panulat ni Patrolman Noel S. Lopez