Handa ng bumoto ang 68 miyembro ng Ata Matigsalug Tribe na kinabibilangan ng 38 former rebels sa ilalim ng Pulang Bagani Command sa Marilog District, Davao City.
Matapos ang mahigit dalawang dekadang hindi pagboto, ngayon ay handang handa na ang 27 sa 38 na dating miyembro ng komunistang grupo upang bumoto sa kauna-unahang pagkakataon, ito’y matapos silang magparehistro sa COMELEC kahapon, September 29, 2021.
Habang ang labing isa (11) naman na hindi nakapagparehistro kahapon ay inaasahang makakapagparehistro pa sa susunod na mga araw.
Madaling araw palang ay naglakad na sila patungong bayan kung saan sila ay sinundo ng Davao City Police Station-City Mobile Force Company sa koordinasyon ng Police Regional Office 11 upang sila’y matulungan sa pagpaparehistro dahil karamihan sa kanila ay hindi makapagbasa at makapagsulat.
“Dahil sa Revitalized-Pulis sa Barangay, ngayon ay makakaboto na kami dahil sila ang naging daan upang kami ay maliwanagan sa tamang daan na aming tatahakin at isa na dito ang pakikiisa sa halalan upang makapili kung sino ang taong karapatdapat mamuno sa ating bansa” ani Bae Aida Seisa.
Sa registration site ay tinungo ng Regional Community Affairs and Development Division personnel sa pangunguna ni PMaj Jane F Golocan, kasama sina PMaj Rowena Jacosalem, at R-PSB personnel sa pamumuno ni PLt Carlo C Magno at PLt Vincent Rafael Dela Cruz upang sila’y personal na matulungan at nagdala na rin ng food packs ang PRO 11 RCADD para sa kanila.
####
Article by: Police Corporal Romulo Cleve M Ortenero