Cebu – Negatibo ang resulta ng nasa 255 na miyembro ng PNP sa Cebu Province na sumailalim sa surprise random drug test na inilunsad ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ng Cebu Police Provincial Unit sa pakikipag-ugnayan sa Cebu Provincial Forensic Unit noong Pebrero 1 at 7, 2023.
Kabilang sa 255 na sumailalim sa naturang pagsusuri ang 40 na tauhan ng Manglanilla Police Station, 73 sa Naga City Police Station, 37 sa San Fernando Police Station, samantalang ang nasa 105 na personalidad ay nagmula sa himpilan ng kapulisan sa Consolacion, Liloan, at Compostela nang probinsya.
Ayon kay Police Colonel Rommel J Ochave, Provincial Director ng Cebu Police Provincial Office, inilunsad ang aktibidad bilang bahagi at pagpapakita ng suporta sa internal cleansing program ng PNP, suriin ang disiplina ng mga tauhan at matiyak na walang sangkot sa aktibidad sa ilegal na droga sa probinsiya.
Mahigpit naman na binalaan ni Police Colonel Ochave, na ang lahat ng tauhan na magpositibo kaugnay sa naturang pagsusuri ay papatawan ng kaukulang kaparusahan at hindi kailanman kukunsintihin.
Kasunond nito ay siniguro ng CPPO ang patuloy na pagsasagawa ng agresibong intelligence driven operation sa anti-illegal drugs upang tuldukan ang banta ng droga sa probinsiya at bilang suporta sa All-Out War Against Illegal Drugs declaration ng Cebu Province maging sa Intensified Anti-Illegal Drug Campaign ng Pambansang Pulisya.