Oriental Mindoro – Nagsagawa ng Community Outreach Program kaugnay sa One-Time Big-Time PCR Activity ang mga tauhan ng Police Regional Office MIMAROPA sa Lantuyang Elementary School, Brgy. Baco, Oriental Mindoro noong ika-20 ng Oktubre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Headquarters Regional Maritime Unit MIMAROPA sa pangunguna ni Police Major Marlon Millendez, Chief, PCR ng Regional Maritime Unit MIMAROPA, katuwang ang mga tauhan ng Regional Advisory Group, RMU 4B, Regional Medical and Dental Unit (RMDU), Regional Chaplain Service (RCHS) Baco MPS, Oriental Mindoro PPO, Philippine Army, Philippine Army Reservist, Community Anti-Crime Group (CACG), Baco Chapter at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT).
Matagumpay na naisagawa ang feeding program, libreng gupit, libreng tsinelas, pamamahagi ng mga bitamina at gamot, at medical mission sa 245 na Indigenous People na mag-aaral ng Lantuyang Elementary School.
Ito ay kaugnay sa programa ng PNP na MKK=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, tungo sa Kaunlaran) at sa paglulunsad ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN Program na naglalayong matulungan ang ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.
Ang ating kapulisan ay patuloy na magbibigay ng magandang serbisyo sa mamamayan upang mapaigting ang ugnayan ng PNP at mamamayan.
Source: RMU MIMAROPA
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus