Pormal ng miyembro ng PNP Officer Corps ang 241 karagdagang technical professionals na magsisilbing technical service officers.
Pinangasiwaan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang donning, pinning, at oath taking ng 235 Newly Appointed Police Commissioned Officers (NAPCOs) sa ilalim ng PNP Lateral Entry Program CY 2021 noong Setyembre 16, 2021 sa PNP Transformation Oval, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City.
Kabilang sa 235 NAPCOs ang walong (8) Police Captains at 227 Police Lieutenants.
Limang (5) doktor, dalawang (2) abugado, at isang (1) pastor ang in-appoint sa ranggong Police Captain na may basic monthly salary na Php56,582; habang ang iba pa ay mga dentista, medical at radiological technologists, nurses, nutritionist, pharmacists, physical therapists, psychologists, engineers, architects, IT officers, social workers at forensic criminologists na numpa bilang Police Lieutenant at may basic monthly salary na Php49,528 bukod pa dito ang allowances at iba pang benepisyo.
Hindi naman pinalad na makasama sa naturang seremonya ang anim (6) pang mga bagong opisyal ng PNP matapos magpositibo sa COVID-19.
Sasailalim sa anim (6) na buwang Public Safety Basic Officers’ Course ang mga NAPCOs.
Dumalo din bilang Guest of Honor and Speaker si Commissioner Vitaliano N. Aguirre II, ang Vice Chairman at Executive Officer ng National Police Commission.
“Duty is doing what should be done all the time. And that is the very concept of being a member of the PNP, to serve God, our Country, and community. The Filipino people are counting on you. Do not let them down. Together, let us always work for a better police force. Onward for a better police force, onward for a better PNP, onward to victory,” ani Commissioner Aguirre sa kanyang mensahe.
Samantala, kasabay ng seremonya ang pag-turnover ng mga donasyon na Recruitment Processing Equipment sa PNP na mula naman sa Skylet’s Marketing na kinatawanan ng may-ari na si Mrs. Scarlet Go Jocson.
Nangako naman si PNP Chief Eleazar na gagamitin ang Recruitment Processing Equipment upang masala ng mabuti at mas mapalawak pa ang recruitment at selection system ng PNP.