Nueva Ecija – Narekober ang 24 na Unexploded Ordnance o (UXO) sa Central Luzon State University Compund, Brgy. Bantug, Science City of Muñoz, Nueva Ecija nito lamang Lunes, ika-27 ng Marso 2023.
Pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Norman Cacho, Chief of Police ng Science City of Muñoz katuwang ang Nueva Ecija Police Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit.
Ayon sa ulat ng Muñoz PNP, tumawag ang security guard ng nasabing unibersidad sa kanilang tanggapan na may nakitang apat na pampasabog.
Kaya naman para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, agad na pinuntahan ng mga awtoridad para kumpirmahin ang naturang report ng security guard.
Kumpirmado at nahukay ang 24 unexploded ordnance. Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pulisya at mamamayan upang masiguro ang katahimikan ng ating pamayanan.
Source: Science City of Muñoz MPS
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3