Nailigtas ng Tandubas PNP ang 24 pasahero at tatlong boat crew mula sa na-stranded na bangka sa Barangay Sapa, Tandubas, Tawi-Tawi nito lamang ika-18 ng Pebrero 2025.
Agad na tumugon ang mga tauhan ng Tandubas MPS sa pangunguna ni Police Lieutenant Dexter A. Bautista, Officer-In-Charge, at nakipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard at LGU sa nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon, natukoy na ang bangkang de-motor ay may sakay na 24 na pasahero at tatlong boat crew.
Ito ay mula sa Sempornah, Sabah, Malaysia, patungo sa Tabawan, South Ubian.
Habang binabagtas ang karagatan ng Tandubas, hindi napansin ng operator ang mababaw na bahagi ng tubig, kaya’t sumadsad ito sa isang matigas na bagay.
Matagumpay na nailigtas ng mga awtoridad ang lahat ng pasahero at boat crew, at na itinurn-over sa LGU ng Tandubas para sa kaukulang disposisyon.
Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga mangingisda at bangkero na maging maingat at tiyaking may sapat na kagamitan sa paglalayag upang maiwasan ang ganitong mga insidente.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya