Timbog ang isang 24-anyos na lalaki sa inilunsad na drug buy-bust operation ng pinagsamang mga operatiba ng Camarines Norte PNP at PDEA- Camarines Norte sa Purok 4A, Barangay Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte nito lamang Enero 10, 2024.
Kinilala ni Police Major Herculano Mago Jr., Hepe ng Labo MPS, ang suspek na si alyas “Ian”, 24, may kinakasama at residente ng Labo, Camarines Norte.
Ayon kay Police Major Mago Jr., isinagawa ang operasyon bandang 1:08 ng madaling araw ng pinagsanib na mga operatiba ng Labo Municipal Police Station, CNPPO-PPDEU, PDEA-Camarines Norte Provincial Office at PIU- Camarines Norte.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang (2) gramo ng pinaniniwalaang shabu na may street value na Php13,000.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang tagumpay ng PNP Bikol sa pagsugpo ng ilegal na droga ay bunga ng pinaigting na kampanya laban dito upang mahuli ang mga taong nagpapakalat at gumagamit para mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Source: Labo MPS CNPPO