Caloocan City – Pinagkalooban ang 226 nating kababayan ng iba’t ibang serbisyo publiko dahil sa inisyatibong programa ng NCRPO Regional Mobile Force Battalion ang “Handog Kabuhayan ni Kuyang Pulis”, nito lamang umaga ng Marso 7, 2022 sa Bagong Silang, Caloocan City.
Ayon kay Police Colonel Lambert Alban Suerte, Force Commander ng RMFB, ang naturang programa ay mayroong iba’t ibang aktibidad tulad ng gift-giving kung saan 200 ang naging benepisyaryo, medical mission na may 20 benepisyaryo, libreng gupit, pamimigay ng kabuhayan showcase (food cart) sa apat na benepisyaryo, mga laruan ng bata, tsinelas at food feeding.
Sa dedikasyon at pagmamalasakit ng bawat miyembro ng programa, at sa pakikipagtulungan rin ng Rotary Club of Mandaluyong, Barangay 176 Health Worker, Philippine Red Cross, Caloocan City Chapter, Alpha Khappa Rho (AKRHO) at Barangay Peacekeeping Action Team, maayos na naisakatuparan ang mga ito.
Namahagi rin ng Wheelchair mula sa programang “Gulong ng Suerte Reloaded” sa dalawa nating kababayan na may karamdaman sa paa.
Isinabay rin sa aktibidad ang “ribbon cutting” para sa bagong renovated na forward base ng 6th Mobile Force Company.
“Ang matagumpay na aktibidad na ito ay isang patunay na pinagbubutihan ng Pambansang Pulisya na patatagin pa ang ugnayan ng pulis at mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay serbisyo publiko sa mga taong kapos sa buhay”, ayon pa kay PCol Suerte.
Source: 6th Mobile Force Company, RMFB, NCRPO
###