Maguindanao – Ipinagdaos ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region ang pagtatapos ng 224 na miyembro Basic Internal Security Operations Course Class of 20, 21, at 22-2022 “SANIBLAHI” sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-1 ng Marso 2023.
Ang naturang seremonya ay pinangunahan ni Police Brigadier General John Gano Guyguyon, Regional Director ng PRO BAR kasama ang iba pang kapulisan ng PRO BAR.
Ang 224 na miyembro ng naturang class ay dumaan sa halos 4 na buwang pagsasanay upang hubugin ang kaalaman sa pakikidigma gayundin sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa kanilang nasasakupan upang puksain ang anumang uri ng kriminalidad at terorismo na hadlang sa pagkamit ng tunay na kapayapaan at kaunlaran sa Rehiyong Bansamoro.
Binigyang parangal naman ang Top 3 Students ng naturang class na sina Patrolwoman Gellee Lou Cuerda bilang Top 1, Patrolman Nickson Tasbirul bilang Top 2, at Patrolwoman Noraya Dimatunday bilang Top 3.
Ang Basic Internal Security Operations Course ay idinisenyo upang hasahin ang kasanayan at kakayahan ng mga nagsasanay upang maging epektibong pulis na makakatulong sa PNP sa paglaban kontra insurhensiya, terorismo, at kriminalidad.
Samantala, hinikayat naman ni PBGen Guyguyon ang mga bagong graduates na maging isang huwarang pulis, maging patas, at maging mabuting ehemplo sa publiko tungo sa ikauunlad ng ating bayan.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz