Lamitan City – Arestado ang dalawampu’t isang wanted persons sa “One Time Big Time SACLEO” operation ng mga kapulisan sa Lamitan City, Basilan nito lamang Huwebes, Marso 31, 2022.
Ayon kay Police Major Nurhaib Bungkac, Chief of Police, Lamitan CPS, ang mga nasabing akusado ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Estafa.
Naaresto ang mga nasabing wanted person sa pinagsamang operatiba ng Lamitan CPS, 1st BPMFC, at 3rd RMFC, RMFB Basulta.
Ang Pambansang Pulisya ay lalo pang paiigtingin ang kampanya laban sa mga wanted person upang manatiling maayos at ligtas ang komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz
Great works PNP